:)

Nagmimistulang dyaryo ito. May mga balita kang mababasa. Magiging salamin ng iyong buhay at pagkatao ang bawat tula, sanaysanay atbp. Isa itong talaan ng pang-araw araw na kahulugan. May mababaw at malalim na pang-unawa sa mga bagay bagay sa paligid. Iba't iba tayong interpretasyon. Minsan, dito mo makikita ang kaligayhan. Isang komik na puno ng kwento, puno ng pangyayari. Ito rin ang nagigi kong kwaderno. Sinusulat ko lahat ng naririnig, nakikita at nararamdaman. nagsisilbi din itong magasin, pampalipas oras at pagal. Pampatakbo ng oras.

Sana masiyahan kayo sa pagbabasa ng aking mga malikhaing panunulat. Dito ko nahahanap at naibubuga ang aking kaligayahan.

Tuesday, March 29, 2011

Ang Alamat ng PIGSAWAT :DD

PIGSAWAT. Isang pangngalan. Dalawang salitang pinagtambal.

Pigsa - isang nagnanaknak na nana sanhi ng impeksyon, makirot na tumutubo kung saan saang parte ng katawan... kadalasan sa pwet!

Taghiyawat - maliliit na butil sanhi ng overactivity ng sebaceous gland, naimpeksyon ng bartirya, namamaga, nagnana at magpapangit sa iyong mukha.

Yuck! Yuck! Yuck! Ang Pigsawat.

(Pano nya nalaman na may tagyawat sya?)

Gigising ka sa umaga. Oooopppsss.. Nagmamadali ka kaya hindi ka muna titingin sa salamin! Didiretsu ka sa banyo! Dahil tamad ka maligo, dating gawi! Maghihilamos ka lamang! Pero, sa paghihilamos mo, makakapa mo ang tila isang nunal na buhay at biglang tumubo sa iyong kanang pisngi! Mismo! Sa buhay ko, di pa ako nakarinig ng nagrireklamong nunal dahil sa sakit! Tagyawat yan!


(Ngayong nakapa nya na ang mumutning tagyawat, ano na ang gagawin nya?)

Tandaan mo! Hindi ka vain! Kasi kung vain ka, naliligo ka. Ayaw mo lang talaga ng may tagyawat dahil naniniwala ka na ipinanganak kang malinis ang iyong dugo at galing ka sa angkan ng makikinis! Pwes! Nagmadali kang humagilap ng salamin! Pumasok ka sa kwarto mo at pag tingin mo sa dambuhalang salamin ay nakita mo ang masdambuhalang tagyawat. Kanina maliit lang yun! Pwes, kanina yun! Kaya sinubukan mong tirisin! Eh gago ka pala! Hindi ka lang "hindi vain", hindi ka din nag isip! Sumirit ang dugo! Nagmukha kang Our Lady of Pimple. Umiiyak sa tagyawat ng dugo! Sinubukan mong punasan ng gamit mong medyas. Ayan, tumigil ang dugo. Wala ka nang problema.


(Wala na nga ba?)

Ano ako tanga? Magkukwento ng maganda ang katapusan? Eh syempre, mumurahin sya ng nunal (maitim na tagyawat, lol), este tagyawat nya kinabukasan. Ang tagyawat mo ay nagpuputang tagyawat! Hellooooo. Ang laki laki! Subukan mo punasan ang marumi ang pwet mo ng pati iyon ay maimpeksyon! Aba, o baka naisip mo pagkakitaan ang iisa mong tagyawat pero sinlaki naman ng Mall Of Asia. Subukan mo kayang isali iyan sa Guinness World records ng baka yumaman ka at saka mo ipagamot yang mukha mo!


(May problema pa...)

Nagfifeeling kang microbiologist. Sadya lang talagang nagkoculture ka ng Propionibacterium acnes sa mukha mo.O.M.G. Ang weird weird mo talaga. Aba, sa dinami daming pwedeng gawing trip sa buhay ay yan pang naisipan mo. Lumaki ng lumaki ang pimple mo. Pwes, hindi na yan tagyawat. Pigsa na yan. PIGSA! Salamat. Ngayon marunong ang baktirya kung san sila tutubo. Ang pigsa ay tumutubo sa kilikili, sa singit at sa pwet. Pwes, ngayon alam mo nang mukha kang kilikili, mukha kang singit at higit sa lahat mukha kang pwet!


At dyan nagtatapos ang kwento... at nagsimula ang Alamat ng Pigsawat!


PIGSAWAT. Pinagsamang Pigsa at Tagyawat. Isang Tagyawat na tumubo na sinlaki ng Pigsa.

No comments:

Post a Comment