kakaloka ang pag
hahanap ng OJT sa industrial as in kakaloka! haha!Nagstart kami maghanap ng OJT second week of November tapos na nakapag start kami Dec.22 kumusta naman yun?! kung saan saan na kami nakarating Makati, Quezon City, Ortigas at madami pa. Nag simula kami maghanap sa Makati halos lahat na ata ng building sa paseo e, nalibot nanamin ayun pass lang ng resume sa guard at sabay sabingtatawagan na lang namin kayo" at pinaka malala e yung sasabihing "wala, di kami nag aaccept ng ojt ngayon e" haist kakaloka talaga.Tapos yun sa dami ng company na inaplayan namin nakahanap kami yun nga lang berna naman yung nahanap namin kung anu-ano pinapagawa na hindi naman related sa HR. Hindi ko kinaya yung pag aayos ng maalikabok na envelop alphabetically at ang pag cut ng 1,000 na papel gamit lang ang gunting instead na paper cutter. Siyempre dahil di namin keri mag work dun naghanap pa din kami ng other company. Ayun may tumawag nga, pinapunta kami for interview and test kaya lang di na ulit tumawag para sa result hehehe! Tapos naloloka din ako sa inaplayan namin sa Q.C kakatuwa yung nag interview sa amin si sir Bernie kasi tawa ng tawa while nag iinterview. Ok's na sana dun kaya lang patayan naman ang schedule 10pm-6am tapos may class ng 3pm-9pm. Same din yung prob. sa isa naming inaplayan sa ortigas mid-shift sila 3pm-11pm so, hindi talaga pwede kasi my class. haist, ba't kasi ganun ung sched. dapat seperate ang day ng ojt sa klase. ayun din madalas tanungin ng mga naginterview sa amin hehehe...and finally...ayun nakahanap din kami.sa hinaba haba ng narating sa TELUS- ortigas din ang tuloy... haha!okay, na dito ganda ng view... kaka relax... at nakakapag FB haha!pero masaya kasi HR task na ginagawa namin... :))
:)
Nagmimistulang dyaryo ito. May mga balita kang mababasa. Magiging salamin ng iyong buhay at pagkatao ang bawat tula, sanaysanay atbp. Isa itong talaan ng pang-araw araw na kahulugan. May mababaw at malalim na pang-unawa sa mga bagay bagay sa paligid. Iba't iba tayong interpretasyon. Minsan, dito mo makikita ang kaligayhan. Isang komik na puno ng kwento, puno ng pangyayari. Ito rin ang nagigi kong kwaderno. Sinusulat ko lahat ng naririnig, nakikita at nararamdaman. nagsisilbi din itong magasin, pampalipas oras at pagal. Pampatakbo ng oras.
Sana masiyahan kayo sa pagbabasa ng aking mga malikhaing panunulat. Dito ko nahahanap at naibubuga ang aking kaligayahan.
Monday, January 24, 2011
OJT
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment